si fishy, britney, tiffany at si pretty.
sa tuwing uuwi ako galing trabaho, makikita mo sa mga mata nila ang tuwa. mapapansin mo rin ito sa ingay ng ngiyaw nila.
pagdating ko aalugin ko na ang kahon ng catfood kapag me laman. sa mga araw naman na ala ako pera, bibili ako sa kapitbahay ng isang lata ng sardinas at noodles, kukunin ko mga tirang kanin sa ref at iluluto ko un para meron silang pagkain. minsan nagwawala sila dhil kelangan ko pang palamigin un para kaya nilang kainin.
ipapasyal ko rin pag umaga ung aso naming si lazybone at si murgit. dati pangalan ni murgit ay kitchie kaso sbi ng utol ko dahil isa shang pangit na askal, di raw bagay ang kitchie dahil mashado sosyal. oo salbahe ung utol ko. pero mahal naman namen si murgit kahit pangit.
me kapatid sha dati, si barbie na pumanaw na. me aso rin kmi dating si yuri na feeling ko ay naging asusena. sana makarma ang mga taong gumawa nun. mamamatay din sila.
YURI |
miss ko na rin pag nasa bahay si daddy. retired na sha kaya pag nasa bahay yan any paniguradong me almusal na hotdog, tuyo at pandesal.
pagdating namen galing trabaho ay tatanungin kmi nun kung gusto namen magkape. sasabhin ko nanman (gaya ng lagi ko ngang sinasabi sa knya tuwing umaga) naku dad me pasok ako mamyang gabi. di ako makakatulog sa kape. at sasabhin naman nya, sige anak magalmusal ka na lang. si daddy talaga. napakasweet. minsan tatanungin din nya ako kung me sobra akong barya at me bibilhin daw sha sa sari sari. sige bigay lang ako. minsan bubulungan ko sha na pasensha na dad at mejo kapos ako kaya next week na ang allowance nyo. sasabhin na naman nya, anak kahit wag na. ok lang ako. shempre pag sinasabi nya to lalo ako naiiyak. dhil napakabuti nyang ama. ala sha inaasahan skin o sa mga kapatid ko. pero gusto ko lagi ako may maibibigay. minsan nga lang kapos din tlaga ako.
kapag sabado naman, minsan pupunta kmi ng metrowalk ng utol ko. 2 oras kmi halos dun. hahanap kmi ng mga bagong pirated dvd. pag uwi namen sobrang saya namen. para kming me nakuhang kayamanan. shempre ba naman, clear copy tapos 40pesos lang.
pag uwi sa house, pagktapos ng hapunan, maghahanda na kmi ng iced tea na ilalagay namin sa pitchel. tapos ung mga chichiryang nabili namen. pagkatapos maghapunan din ng mga babies ko (fishy, britney, tiffy at pretty),
(from L to R : Tiffy, Pretty, Fishy and Brittney) |
pag linggo naman, ayan madalas ay ligo time sa mga pets. di lang si lazybone at murgit. pati ang mga babies kelangan maligo. lahat sila dadalhin ko rin sa banyo. at ayan na parang me concert sa banyo dahil sabay sabay silang ngingiyaw. kala naman nila makakatakas sila.after ng ligo. punas at blow dry. pero si britney di namen binoblow dry ksi takot sia sa ingay ng dryer. kaya twalya lang sa knya.
labada day din ang linggo. madalas dumadating ang labandera nameng si ate maryel. mabait sha at kasundo ko. tinutulungan nia rin ako sa pagpaligo ko lazybone. mabait na aso si lazy. kahit pitbull. di nga ako naniniwalang bad ang pitbull dhil 8 years ko sha naging alaga pero kahit kelan di ako kinagat eh.
at shempre ang paborito kong highlight ng araw, ihawan ng liempo, bangus, tilapia at minsan pusit. kumpul kumpol kmi sa dining table. gagawa kmi ng sawsawan. madalas magluluto rin ako ng pinakahihintay nilang sinigang na baboy o hipon. gusto nila ksi me hinihigop din na sabaw habang nagkakamay kming kumakain ng inihaw. shempre di mawawala sa mesa ang malamig na coke. kung di malamig, bili ng ice sa kapitbahay.
lunes hanggang biyernes, dating gawi. pasok na naman sa trabaho. kelangan magtricylce, fx tapos pauwi pagod na naman.
Oo khit mahirap buhay, masarap umuwi sa bahay. Shempre anjan silang lahat..
Eto ang buhay ko dati na iniwan ko. Makalipas ang 3 taon ay makakauwi na rin ako..
Wala na ung ibang pets ko (Tiffy, Brittney, Fishy at Lazybone)..Pero me mga bago. Me sakit na rin si Daddy at di na sha puede maghanda ng almusal gaya ng dati.
Pero ayos lng. Kaya ako babalik ay dahil sa knya. Mas mahalaga sya sa kahit anong trabaho or oportunidad. Dadating din ulit un. Pero ang mabuting ama na tulad nya ay iisa lng.
Oo mahirap nga buhay dito sa Pilipinas pero okay lng umuwi ulit at makipagsapalaran basta makasama ko si Daddy at mga pets ko. Di ko na sila iiwan ulit.
No comments:
Post a Comment
comments are moderated