Kakauwi lng namen ngayon galing sa Eastwood. Ang masasabi ko lng pag uwe eh PAKSHET sana natulog na lang ako. Bad trip at kung kelan dumami ang BPO companies dito eh mas mukhang pumangit naman ang style ng pag assess nila ng kada applicant.
Malaki ang pinagbago ng hiring process ng BPO compared to how it was 3 - 5 years ago. Dati in a day alam mo na agad ano ang status mo after mo mag apply. First time ko nga magwork sa callcenter nung 2002, interview lng at typing exam tapos na. Di man lang ako hiningan ng transcript or proof na talagang College Graduate ako. Interview lng sinabi na skin eh pasado nako. The same day alam ko na agad na hired nako. Sa mga sumunod na call center jobs ko sa Ortigas at Makati, ganun din. One day hiring lang. Papabalikin ka na lng nila for contract signing.
3 years din ako nawala at nakapagtrabaho ako sa abroad. Hindi ko ineexpect na sa pagbalik ko eh parang mas kumplikado maghanap ng trabaho kumpara nung iilan pa lng ang naging call center job experience ko.
4 na kumpanya na ang naapplayan ko sa loob ng 1 buwan. Kahit naman me offer na at depende na lng sakin kung tatanggapin ko, marami ako napunang nakakairita at aksaya sa oras ng kanilang pagpoproseso.
Eto ang iilan sa mga katarantaduhang parte ng hiring process nila
1) IQ exam - ok lng naman sana me iq exam kaso di naman to college entrance exam eh. pag sagot mo ba ng telepono eh kelangan magsolve ka ng abstract? aalamin ba ni customer kung mgaling ka magpuna kung ano ang susunod sa trend na maliit na bilog, kasunod eh 2 malaking bilog, ano sa tingin mo ang susunod na hugis?
Kung nakalagay ba sa resume mo na galing ka sa isang reputable school tapos me additional post graduate course ka pa with matching overseas job experience at maraming certifications, kelangan pa ba ng IQ exam???
2) Typing exam - sa tingin ko importante ito. Kaso kung ung applicant naman eh nakita mo na sa documents na dala nya na marami na sha call center experience, including overseas exposure, necessary pa ba ito? Sa tingin mo ba eh makakalusot ang isang rep sa buong stay nia sa isang kumpanya kung mabagal sha magtype. Kung walang call center experience, maiintindhan ko. Pero kung nakita mo na sa resume at supporting documents na naka 4 na call center na ung tao, dapat i skip na tong parte na to.
3) Head hunter interview, hr interview, panel interview. - Define redundant. This is the most annoying part. Especially if after youve been screened by the head hunter, you still have to go through the whole milling process. Ang pinakaburat pa sa lahat ng ito ay ung pagaantayin ka nila ng buong araw. Akala mo espesyal ka kasi final interview ka na. Yun pala pag aantayin ka nila ng 4 na oras tapos pagdating mo sa opisina nila for the final interview, pagaantayin ka nila kasabay ng ibang walk in.
4) Payat na sahod - matapos mo pagdaanan ang lahat ng nasa itaas, oofferan ka nila ng sahod na pang entry level. Kahit naman na prove mo na sa interview, exam at supporting documents mo na more than qualified ka, di ka pa rin espesyal. Sasabhin nila syo na, they are offering the best basic salary. Yung ad pa nila will say 20-25 k. Pero ung offer nila syo is 15k.
Kaya napa face palm na lng ako pag uwi ko. At next week,ako ay babalik dun sa mga naginterview skin para ibigay ang aking sagot sa kanilang offer. kelangan ko na sabhin sa knila na salamat sa oras nyo pero you can shove your 15k salary offer up your ass.
No comments:
Post a Comment
comments are moderated