Feb 28, 2011

Daddy I miss you

circa 1955

1965

1965

1949
Dear Daddy,

Nagluto ako ng sinigang na bangus ngayon. Nagsaing din ako ng 2 tasa ng bigas,mMeron din akong hinandang iced tea na juice, ung paborito mo. Ipinaghain kita pero oo nga pala di mo ako masasabayan. Nakalimutan ko na naman na magisa lang pala ako dito sa bahay na kakain.

Nung isang araw galing ako ng palengke. Napadaan ako sa may bilihan ng barbecue, bumili ako ng isang stick.Napadaan din ako sa Dunkin Donuts at nakita ko ung paborito mo na bavarian. Bumili rin ako, kaso isa rin lng. Pauwi ay napadaan rin ako ng Chowking, umorder ako ng orange chicken lauriat at coke. Gusto ko sana ng braised beef at tokwa, kasi alam ko paborito mo yun..kaso di ko mauubos. Malulungkot lng ako habang kinakain ko yun..  Nung nasa palengke pala ako, nakita ko yung mga gulay na madalas mong pinapapaalalang bilhin ko, labanos, pechay, sayote, sitaw at kangkong. 5 Buwan na rin ako di namamalengke ng maramihan. simula nung mawala ka..

Oo nga pala, humihingi pa rin ako ng mga hasang ng isda sa palengke gaya nung dati. Bilin mo yun eh. Iluluto para sa mga alaga natin. Gustong gusto pa rin nila.Yung mga alagang aso at pusa di na  gano nakakakain gaya ng dati. Naaalala ko tatlong beses mo sila pinapakain sa isang araw. Gaya ko, sa tingin ko nangungulila rin sila sa yo.

Daddy pasensya ka na at nagdadrama ako ngayon. Miss na miss na kita. Araw araw naiisip pa rin kita. Namimiss ko yung bababa ako galing sa kwarto at sasabhin mo sakin "anak, magalmusal ka na" at me hinanda kang itlog, tuyo at sinangag na kanin. Yung 2 oras na kwentuhan natin na paulit ulit. Saka ung mga reklamo natin sa buhay habang umiinom ng kape. Minsan nakaka 3 baso ng kape tyo at ninenerbyos nako pagdating nga tanghali. Namimiss ko kapag nakita mo ako sa kusina at itatanong ano ang ulam. Kapag sinabi kong sinigang na baboy, adobong manok, tinola o nilagang baboy, mapapangiti ka na at sasabhing, "uy masarap yan!".

Higit sa lahat, namimiss ko yung tunog ng tricycle pag titigil sa tapat ng bahay. Yung pagdating mo galing bayan or kung san ka man nanggaling. Bitbit mo mga supot na puno ng pagkain, at meron kang isang supot na puro para sakin lng. Me chocolate, tinapay, yakult at kung ano ano pa. Nakakatawa nga eh ksi kahit nagtatrabaho nako, lagi pa rin ako may pasalubong galing syo.

Daddy, Im sorry ha? sana napatawad ko nako sa mga pagkukulang ko. Sana matagal ko na iniwan ang trabaho ko at inalagaan ka na lng. Hindi sapat ung 4 na buwan. Hindi ko alam na ganun lamang kaiksi pala ang ibibigay skin ng Dyos para makasama ka pa ulit..Ganun pa naman, nagpapasalamat na rin ako at nakapiling pa kita.

5 buwan na po ang nakalipas simula nung umalis ka. wlang araw na naging madali para sakin na tanggapin na wala ka na..

I miss you Daddy.. sana ay masaya ka nasan ka man.

2 comments:

  1. Ang iyong ama ay isang dakilang tao. Siya ay napakabait at sweet. Ako sigurado na saan man siya ay, siya ay naghahanap down sa iyo at siya ay maipagmamalaki ng mga iyo. Sa tingin ko ay gumawa ng kanya masaya na malaman na kayo pa rin matandaan kanya, at ako sigurado na siya ay masaya na magkaroon ng oras na ginugol mo sa kanya, kahit ito ay lamang ng isang maikling habang.

    Sorry kung hindi ito tama. =) Google Isalin!

    ReplyDelete

comments are moderated